Education

Ano ang epekto ng migrasyon sa ating bansa nakabubuti ba ito o nakakasama

Written by Winona · 35 sec read >


Ano ang epekto ng migrasyon sa ating bansa nakabubuti ba ito o nakakasama​

Answer:

Maituturing na mabuting epekto ng migrasyon ang pagkakaroon ng sapat na suweldo ng mga manggagawa upang matustusan ang pamilya. Ito ang laging rason ng mga mamamayang Pilipino kung bakit sila mangingibang bansa. Mabibili ang gusto at aasenso ang buhay. Isa pa sa halimbawa ay ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa iba’t ibang larangan dahil sa magandang edukasyon na nabibigay ng matatayog at maunlad sa larangan ng teknolohiya na bansa. Sa kabilang banda, maraming mga negatibong epekto ang migrasyon. Umpisahan na sa mga kababayan nating nangingibang bansa, patuloy silang nawawalay sa mga mahal sa buhay upang magampanan ang tungkulin bilang miyembro ng pamilya. Sunod ay ang pakikinabang ng mga bansang pinupuntahan ng mga Pilipino dahil kilala tayo sa pagiging mahusay at magiliw sa pagtratrabaho na dapat sariling bansa ang natutulungan ngunit taliwas ito sa nagaganap. Marami na ang naitalang pang-aabuso sa mga Pilipino dahil sa kanilang mga trabahong pinapasukan.


Patulong po pwede 3 – 5 sentences

Winona in Education
  ·   5 sec read

Leave a Reply

Your email address will not be published.